|
Search Tristancafe Forums
Custom Search
|
| frontpage | music | karaoke | games | forum | berks | columns | quizzes | crosswords |
|
Haven't registered here yet? Sign up now! to participate in the forums and enjoy all the cool features of TristanCafe Social Network. Everything's FREE, and it will only take less than a minute, pramis :)
Main Forum - Category:Poetry & Short Stories
BANGIS! (Chapter 2)
eto yung mga nauna... Panimula: http://www.tristancafe.com/forum/115100 Chapter 1: http://www.tristancafe.com/forum/115212 ![]() CHAPTER 2 “Nakita mo na si Biel?” tanong ni Alvin kay Elaine. Kanina pa niya hinihintay ang dalaga sa labas ng gate ng eskwelahan nila. “Teka, ako nga dapat ang magtatanong sa iyo nyan. Di ba kayong dalawa ang laging magkasama? Dalawang araw na syang hindi pumapasok ah. Ano na kaya ang nangyari dun?” May pag-aalala sa tinig na iyon ni Elaine. Kilala niya si Biel. Hindi ito aalis ng hindi man lang magsasabi kung saan ito pupunta. Bilang matalik na kaibigan, nakagawian na nilang maging tapat sa isa’t isa. Walang iwanan. “Hindi nga rin pumasok kahapon eh, galit na si Mang Jaime. Hindi kasi nalinisan yung kulungan sa may likuran. Kung sinabi nya lang sa akin, sana ako na lang ang gumawa nun.” Dismayadong sabi ni Alvin. “Alam na ba ng nanay nya yun?” “Aba natural! San ba sya umuwi? Sa akin nga rin hinahanap eh. Hello? Ako ba ang tanungan ng nawawalang kalabaw?” “Ano ka ba? Sumeryoso ka naman.” Si Elaine, sabay kurot sa braso ng binata. “Imposible namang mawala yun ng hindi natin alam. Pinuntahan mo na ba si Erwin?” “Bukas pa daw ang balik nun, galing probinsya.” “Eh si Buboy?” “Wala ring alam. Wala naman talagang alam ang batang iyon kundi ang maglaro.” “Mabuti pa siguro i-report na natin sa pulis.” “Sigurado ka? E kung nandyan lang pala yung kumag na yun?” “A basta! Kung ayaw mong sumama, ako na lang. hmp! Dyan ka na nga!” anang dalaga sabay irap at lumakad na papalayo. “Hoy, teka, nagbibiro lang naman ako.” Si Alvin habang lakad-takbong humabol kay Elaine. “Bubooooyy!!!!” sigaw ni Aling Divina. May galit ang boses na iyon. Nakadungaw sa bintana at tila hinahanap sa labas ang anak. “Buboooyyy!!!!” mas malakas na sigaw nito. “Nandito na po.” Anang batang lalaki habang papasok sa loob ng bahay. Madungis ang itsura nito na tila hindi naligo ng isang Linggo. Nakasabit sa leeg ang tirador na yari sa sanga ng bayabas. “San ka na naman nanggaling bata ka? Buong maghapon ka na lang nasa layasan ah! Gusto mong doon ka na lang tumira sa labas?!!!” si Aling Divina habang hawak ang tenga ni Buboy. “Hala! Maligo ka doon pagkatapos ay magsaing ka para may pakinabang ka naman!” “Aray!” impit na tinig ni Buboy. Muling naupo si Aling Divina sa upuang kahoy sa may bandang ibaba ng bintana. Maliit lamang ang bahay na iyon. Sementado at kulang-kulang sa gamit, ngunit may kalinisan din iyon. Masipag rin kasing maglinis si Aling Divina. Wala naman kasi itong ginagawa maghapon. Tanging si Biel lamang ang inaasahan nila para matustusan ang araw-araw nilang pangangailangan. Nag-aaral ito sa umaga at nagtatrabaho sa gabi. Janitor ito sa Zoo na malapit sa kanila. Kasama niya ang matalik na kaibigang si Alvin. Si Biel na ang nagdesisyong tumigil ang ina sa pagtatrabaho dahil ilang beses na itong nawalan ng malay habang nagtitinda sa palengke. Ang bunsong anak na si Buboy lamang ang kasama nito sa kanilang tahanan. Pitong taon na rin ang nakalipas mula nang iwan sila ng kanyang asawa sa di pa malamang dahilan. Matapos isilang ang bunsong anak ay hindi na ito nagpakita sa kanila. Binuhay na lamang ni Aling Divina ang mga anak sa pamamagitan ng pagtitinda sa palengke ngunit ng maglaon ay nagkaroon ito na karamdaman bagay na nagtulak kay Biel na patigilin ang ina. Hindi naman niya maaring itigil ang pag-aaral dahil sa ng kanyang pangarap. Habang nakaupo ay tumutulo ang kanyang luha. Nag-aalala siya sa kanyang anak. Kahapon pa niya ito hinanap kung saan saan kasama si Buboy. Paulit-ulit na bumabalik sa kanyang alaala ang plano ni Biel bago ito mawala. Ang pag-alala nito sa kapatid sa nalalapit nitong kaarawan. Pitong taon na kasi ito sa makalawa at nais surpresahin ni Biel at bilhin ang gustung-gusto nitong laruan na nakita nila sa kabilang bayan minsang ipasyal nito ang kapatid kasama ang kanyang ina. Tanging si Biel lang at ang kanyang ina ang nakakaalam nito. Kahit sa mga kaibigan ay hindi nito nabanggit ang sorpresa. Ngunit ngayon, hindi pa rin bumabalik ang kanyang anak. Akmang tatayo si Aling Divina ng biglang nanikip ang kanyang dibdib. Nanghina ang kanyang katawan at hirap sa paghinga. Nanginginig ang kanyang tuhod at lumalabo ang kanyang paningin. Pinilit niyang magsalita ngunit walang tinig na lumabas sa kanyang bibig hanggang sa tuluyan nang dumilim ang kanyang paningin at bumagsak sa sahig. itutuloy... Share this post (facebook, email, twitter, etc) at pagpapalain ka ng husto.
:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
![]() nose bleed ako sa tagalog eh... ![]()
jennie_recca
•reply
Jul-9-07@2:31AM
kaya pala ganun si jedd... este si Biel...
sa ZOO pala cya work... nahawa sa nga inaalagaan nyang hayop...
jeddsteelhead
•reply
Jul-9-07@2:50AM
pwede...
![]() maghintay ka...kaso wala pa sa chapter 3 yung sagot sa tanong mo eh...
Kuya Jeddd.....
bitin ... waaaaahhhhh antay na naman ng 24 hours.... ![]()
jennie_recca
•reply
Jul-9-07@2:59AM
anyways... nice part 2... ibig sabihin... di pa cya magaling... ilang araw na syang nawawala... ?
jennie_recca
•reply
Jul-9-07@4:13AM
ha ha... baka nagka amnesia na yan bukas ha....
lalong hindi na nakauwe sa kanila... wait ko na nga lang ang chapter 3.... haaaayyyy... tagal....
jennie_recca
•reply
Jul-9-07@4:16AM
oki... log out muna ako kuya jedd....
nood me Harry Potter e....
babae ba si Biel? janitor sya?
![]()
jeddsteelhead
•reply
Jul-9-07@6:14AM
nagbasa ka ba???
![]() unahin mo kasi ung Panimula saka ung Chapter 1...
![]() ,`nak'z nmn Kuyaaaaaa ![]() ,`anG iKLi lang poh ata Huh ,`cge till next Tym n nga Lang ![]()
love_suan2000
•reply
Jul-9-07@11:27PM
,`ofcouRse
,`siPag ata akHo mag baZa ,`Nyakzzzz ,`cge TiL next Tym kuyaa![]()
jeddsteelhead
•reply
Jul-10-07@3:03AM
eto, latest
makikiraan lang po!!!May Promo Picture na ang story ko!!! http://www.tristancafe.com/forum/115457
binasa ko..
![]()
jeddsteelhead
•reply
Jul-10-07@3:02AM
thanks
![]() eto yung latest.. makikiraan lang po!!!May Promo Picture na ang story ko!!! http://www.tristancafe.com/forum/115457
grabeh para sa iyo my darling macho binasa ko talaga ![]()
sweetchime
•reply
Jul-10-07@3:08AM
upkurs kaw pa tahan na di bagay ang umiyak sayang ang pagkabangis
:: leave a comment You need to be logged-in order to post comments.Still do not have an account? Register for free
|
last 10 comments
in this category: categories:
Love & IntimacyArts & Entertainment Lifestyle & Culture Politics & Issues Poetry & Short Stories Random Thoughts Forwarded Thingies FrendzCorner/ShoutOut/Help! Games & Fun Questions Patawa Ka Talaga Tristancafe Musikahan Careers & Work Stuff School Matters Technology & Internet Classifieds & Advertisements Barangay Tristan Site Announcements Old Stories sundaythefifth, blony, myprettybaby, hishi, tearsofakane, megumi_ai4me, speechlez_214, ballababy24, iane and 50 guests |