|
Search Tristancafe Forums
Custom Search
|
| frontpage | music | karaoke | games | forum | berks | columns | quizzes | crosswords |
|
Haven't registered here yet? Sign up now! to participate in the forums and enjoy all the cool features of TristanCafe Social Network. Everything's FREE, and it will only take less than a minute, pramis :)
Main Forum - Category:Poetry & Short Stories
Northern Light (02+)
This is another repost nung old novel ko na pinalitan ko na ang title (the crush). latest chapters will be posted soon. so enjoy ninyo muna 'to.
![]() The Princess And The Tiger Hindi naman na bago kay Jillia ang ganoong eksena. Kahit pa noong unang salta niya sa pinanggalingang eskuwelahan, ang Ateneo ay ganoon din ang kanyang naging karanasan. Kung tutuusin, mas malala pa noon ang sitwasyon dahil freshmen pa sila at kailangan pa nilang magpakilala sa isa’t-isa. Naaalala pa nga niya nang tumayo na siya sa platform, napako na siya roon ng halos tatlumpung minuto dahil sa makukulit na tanong ng kanyang mga kaklase; karamihan mga lalake. At magmula noon, hindi na siya tinantanan ng mga ito na kalauna’y lumiligaw na sa kanya. Ngunit hindi lahat ay naging masaya sa pagdating niya sa Ateneo. Marami ngang lalakeng nababaliw sa kanya, ngunit marami namang babaeng naiinis sa kanya dahil sa inggit. Ngunit hindi iyon naging balakid upang makapamuhay siya ng normal bilang kolehiyala, dahil aniya, napakaliit na bagay lamang iyon upang abalahin pa niya ang kanyang sarili. Kung tutuusi’y wala namang mabigat na dahilan si Jillia para lamang lumipat ng eskuwelahan, dahil maganda naman ang itinatakbo ng kanyang buhay ‘Atenista’. Mga nagmamahal na kaibigan, mabubuting guro na sumusubaybay, bukod pa ang lagi niyang pangunguna sa klase at paghanga ng karamihan, wala na siguro siyang mahihiling pa. Ngunit dahil sa isang trahedya, nang masunog ang kanilang bahay, ay kinailangan nilang mag-anak na lumipat ng bagong matitirhan. At kasabay noon ay ang paglipat niya rin ng eskuwelahan. Bagaman hindi naman ito naging mahirap na desisyon para sa kanya dahil makakasama naman niya ang kanyang pinakamatalik na kaibigang si Rei. At heto siya ngayon sa CEU. At ang mga nangyari ngayong umaga ang tila ba nagpapanumbalik ng mga masasayang alaala ng Ateneo sa kanyang buhay. Nang matiyak niyang siya na lamang ang tao roon ay saka lamang tumayo si Jillia sa kanyang kinauupuan. Sa bungad pa lamang ay sinalubong na siya ng matalik na kaibigang si Rei. ‘Hiyaa! What’s up? Thought you might’ve been lost for a moment there! But it’s good to see you’re safe and sound! Thank heavens!’ ‘What’s that suppose to mean?! It’s your fault I got lost! I looked like a fool! And I’m beaten to a pulp by those long stairs! What’s wrong with this school? There’s not even a single elevator! It’s so tiring!!!’ ‘Ooohh! Sorry about that, sis! REALLY I do! But at least you managed to make your way on your own! And it gave some pretty good workout right?’ ‘How insensible…’ Tila nagtatampo. ‘Now! Now! Hush princess! Don’t be such a ‘Drama Queen’! It’s bad for your complexion you know? Look, let’s just get this over with and let’s just have lunch! It’s all in me today! Think of it as a welcoming party! whaddya say!?’ ‘Hmmm… okay! I’ll forgive you for now! But I’m the boss here! Got it?’ ‘Okey-dokey!!! Taralets!!!’ Sa isang pizza restaurant, di kalayuan sa campus napagpasiyahang kumain ng dalawa. ‘So, how was your stay at our prestigious university?’ May tonong nagmamalaking pagsisimula ng paksa ni Rei. ‘Well… pretty good I guess?’ ‘Only ‘pretty good’? Not excellent, not ‘muy bien’ or anything grand?’ ‘Points deducted for getting me lost and for those long tiring stairs!’ ‘Aww!!! C’mon! hanggang ngayon ba hindi mo pa rin nakakalimutan ‘yon? I told you, nakalimutan ko lang dahil kailangan kong makapag-enroll kaagad dahil medyo busy rin ako ‘nung araw ding ‘yon dahil sa mga commitments ko sa dean’s office at sa dramatic guild. Alam mo naman, ehem! I’m quite an important person!’ ‘A basta! Commitment mo rin naman ako a?!’ ‘Geez! You’re so childish! Bakit ba napakatamad mong babae ka?! Kahit maglakad o umakyat ng hagdan! Ano naman ang gusto mo? May escalator at elevator na parang mall itong eskwelahan? Tsaka tingnan mo nga ‘yang figure mo! Wala man lang muscles, kaya ang lampa-lampa mo! Minsan, I–try mo ring mag–workout! Kahit mag – jogging ka lang every weekends, or maglakad–lakad ka 30 minutes everyday, whenever you got vacant time! Trust me; it will make you feel really good!’ ‘What? So I can be like you? Wearing those nasty muscles on your face? Yuck!!! No thanks!’ ‘Ex-cuuuuuzzzeee me! You’re barking at a wrong tree, “Ms. Thin Lady!” For your information, ako lang naman ang Ms. AMT at Ms. CEU last year! At ako rin ang Athlete of the Year last Sports fest. So, ano pang’ laban mo? I’m beauty, brains, and brawn in one! Right, Mr. Raffi Magsumbol?!’ Tinutukoy niya ang kanyang kaklase sa Computer Ic na napansin niyang kanina pa bumubuntot sa kanila mula pa sa campus hanggang sa restaurant. Isa rin ito sa mga binigo niyang manliligaw niya. Hindi naman kumikibo ang binata na pulang pula ang mukha dahil sa pagka-pahiya. ‘Ha!!! Nagagawa mo pang magyabang ngayon dahil wala pa ‘ko rito noon at wala ka pang karibal! But we’ll see if you can still babble with your nonsense after I took over your throne, “Ms. Judo Queen!” You’ll be kissing my royal feet afterwards!’ At sinundan nito ng mahinhing tawa. ‘Heh! Don’t push your luck “Ms. Bookworm!” You might hurt yourself!’ Na sinundan naman ng mapanuyang halakhak.. Nasa kainitan sila ng sapawan sa isa’t-isa ng bigla’y tumunog ang mobile phone ni Jillia. Agad niya itong kinuha sa kanyang hand bag at binasa ang message ng isang mahalagang tao. ‘Sino’ng nag-text?’ Ani Rei na puno ng kuryosidad. ‘Si Cliff!’ napapangiti ito habang binabasa ang mensahe ng sinasabing ‘Cliff’. ‘Nong sabi?’ Na naparam ang gana sa pagkain. ‘Wala lang! nangangamusta lang siya! May practice sila ngayon kaya di raw niya ako masusundo!’ ‘Haaayy… kahit kailan talaga, napakalakas umere niyang lalakeng yan ! Tipikal na bolero!’ Napakunot naman ng noo si Jillia. ‘Ano na naman ba ang ipinuputok ng butsi mo diyan sis? Hindi kaya… naiinggit ka lang dahil ako ngayon ang pinapantasya ng kilalang “chick magnet” ng UAAP?! And take note! Not only he is gorgeous, umaapaw pa siya sa talent! So what is it?!’ May halong pang-uuyam niyang sabi. ‘Tch!!! Don’t make me laugh! Even he, is not worthy of my punches! For me, he’s nothing more than a rotten ‘bibingka’! A good for nothing haughty guy, na walang ginawa kundi magmagaling at mag-astang super-duper galing mag-basketball! Hello?! Hilo ba siya?! Kahit sino namang player, kahit pa high school kayang gawin yung mga pasabit niya sa ere no?! Kuu!! Walang kwenta! Kainis!!!’ ‘Haaayyy! Ayan ka nanaman! Bakit ba napakainit to the peak level niyang ulo mo kay Cliff? For me, hindi ko naman nakikitang mayabang siya, as you see it. Ano bang nakita mo sa kanya na kulang na lang eh katayin mo na siya nang buhay? Paki-esplika nga?’ ‘Don’t make me repeat myself, princess! At baka ‘pag napikon ako eh ako na mismo ang susugod sa Ateneo para matigil na’ng kahambugan ng kutong–lupa na ‘yan! Ha! Ewan ko lang kung makapagpasikat pa siya!’ ‘Tsk! Tsk! There she goes again! Don’t you think you’re getting too obnoxious? ’ ‘Masisisi mo ba ‘ko? Eh talaga naman kasing napakayabang umasta niyang suitor mong ‘yan! Oo nga, super-duper handsome nga siya! Aminado ‘ko ‘dun! Pero may attitude problem siya! At malalang malala talaga!’ Sabay kagat ng kanyang paboritong pizza. ‘Pero alam mo, kung talent at kapogian lang din naman ang pag-uusapan, di hamak naman na mas lamang ng bilyong milya si Warren Seales kaysa diyan sa ibinibida mong naggagaling-galingan lang! Mahusay siyang playmaker at wingman sa height niyang 6’ 7! Pero hindi siya umeere gaya niyang hindot na Cliff na ‘yan! Tahimik lang siya at very focused sa laro na dapat lang naman talaga! Sa tingin ko nga, mas bagay pa kayong mag-pair eh! Ang cute ninyo sigurong tingnan!’ Kasunod nang mahinhing tawa. ‘Yun nga ang problema sa lalaking ‘yun eh! Masyado siyang seryoso naba-branded tuloy siyang suplado kaya tuloy nawawala ang kapogian niya! Para siyang si Rukawa Kaede! Ayoko pa naman ‘yon sa isang guy! Kaya hindi kami bagay!’ ‘Sus! Hinusgahan mo naman siya kaagad! Malay mo masyado lang mahiyain yung tao. Come to think of it, hindi ba kayo personal na nagkakilala noon sa Ateneo?’ ‘Hindi. Basta nakilala ko lang siya habang nagpa-practice sila noon ni Cliff. Talagang tahimik lang siya at ‘di palabati. Although hindi naman siya nagsusungit, napaka-emotionless niya. Poker face baga. Kaya parang nakakatakot siya! Sabi pa nga ng isa kong friend doon sa ADMU, na kasamahan ko dati sa school publication namin, masuwerte ka nang tao kung mai-invite mo siya sa isang one-on-one interview!’ ‘Gano’n?’ ‘So? Na-turned off ka na sa kanya?’ ‘Well! Not at all! In fact, mas lalo nga akong naintriga sa kanya eh! At ‘yun ang pinaka-gusto ko sa isang guy! Tipong “Mr. Mysterious! Tuloy gusto ko na siyang ma-meet in person!’ May kakaibang kislap ang mga mata ni Rei. ‘Ngeek!’ Sapo ang mukha habang iiling-iling si Jillia. ‘Oh! By the way, pagkatapos ng mga klase mo, meet tayo sa study area malapit sa LA auditorium. Ako na’ng maghahatid sa’yo pauwi. Sinabi ko kasi sa dad mo na ako muna ang maghahatid sa’yo. Para naman hindi mo masabing pinababayaan kita! Okay?’ ‘Okay!!!’ Matapos ang tatlo pa niyang klase, na sa kabuuan ay tumagal ng limang oras, agad nagtungo si Jillia sa lugar na napagkasunduan nila ni Rei na magkita. Naroon na ang kaibigan nang makarating siya roon. ‘Well! You’re here! Whew! Past five na pala! Ang haba ng class schedule n’yo sis! Parang forever na ‘kong naghihintay! Tara na, baka gabihin ka pa!’ ‘Alam mo, nakakapanibago ang kabaitan mo ngayon! Sana araw-araw mo na lang akong ihatid!’ ‘Oy! Magaling na babae! Ngayon lang ‘to no! Dahil Responsibilidad pa kita ngayong debut mo sa CEU! The rest of the days ay bahala ka na! At kapag naligaw ka pa papuntang SDV eh, problema mo na ‘yun! Pero napaka-vovu mo naman kung maliligaw ka pa ha?!’ ‘Ay! Binabawi ko na!’ Sumakay ng tren ang dalawa. Nais kasi nilang makaiwas sa mabigat na trapiko, upang hindi sila masiyadong gabihin sa daan dahil malayu-layo rin ang kanilang ibi-biyahe. Pagsapit ng tren sa istasiyon ng Cubao, sumakay naman agad sila ng jeep. Ngunit bahagyang mabagal ang usad ng trapiko kaya’t inabot pa rin sila ng gabi sa daan. ‘Rats! Ginabi pa rin pala tayo kahit LRT 2 na yung sinakyan natin?! Tsk! Pahamak kasi yung trapik sa may P. Tuazon eh!’ Ani Rei na yamot na yamot pagkat siguradong gagabihin na rin siya ng husto pauwi. ‘Sorry sis. Mukhang malaking abala sa’yo ‘to.’ ‘Hey! Not at all! Iniisip lang naman kita eh. Well… at least, di tayo inabot ng 7 o’clock! Kaya safe ka pa rin! Although kailangan na nating magmadali, sis! Madilim ang kalye dito! Mahirap na…’ ‘Come to think of it… it really does creepy in these parts… Can we just consider another route?’ ‘Lalo lang tayong gagabihin no’n. Don’t worry! I’m in command! And as long as I’m in command we can reach your place like walking on a red carpet! Trust me!’ ‘I-I hope so…’ Maingat ngunit mabibilis ang bawat hakbang ng kanilang mga paa. Si Rei ay kalmado lang na nakikiramdam sa paligid, habang si Jillia nama’y palinga-linga habang nakakapit nang mahigpit sa braso ng kaibigan. Pagsapit nila sa isang kanto’y nakarinig sila ng mga palakpakan na mistulang isang hudyat at maya-maya pa’y limang kalalakihan ang naglabasan; tila ba sila talaga ang pakay ng mga ito. At sa mga titig pa lamang ng mga ito sa magkaibigan na animo’y mga gutom na gutom na mga lobo’y hindi mo iisiping naroon lamang sila upang magpakilala. Bahagya namang napaatras si Jillia at lalo pang humigpit ang kapit nito sa braso ni Rei. Sa mga sandaling iyon, ramdam na ramdam na ni Jillia ang matinding panganib. ‘Oh no!... Sis… What do we do now?!...’ Ani Jillia na tanging umaasa ng kaligtasan mula sa kaibigan. ‘Calm down sis. Just stick with me and everything will be all right.’ Sa tonong punum-puno ng kumpiyansa. ‘Aba mga iha! He! He! He! He! Mukhang naliligaw ata kayong dalawa ah?! Baka gusto niyong ihatid na namin kayong dalawa sa mga bahay ninyo! Pero bago yon…’ bumunot ito ng patalim. ‘Kami muna ang ihahatid niyo sa ikapitong langit! Ha! Ha! Ha! Ha!’ ‘At huwag niyo nang subukang magmatigas pa! Dahil balwarte namin ang lugar na ‘to! Pero ‘pag sinubukan niyo pang manlaban alam niyo na kung para sa’n ang mga laruang hawak namen!’ Anang ikalang lalake na may hawak ring patalim. ‘Sinasabi ko na nga ba! Ang mga flawless beauty natin ang habol ng mga manyak na ‘to eh! Pero sa totoo lang, kung wala na talaga akong choice mas gusto ko pang makipag-date sa lampang Raffi na ‘yon kesa sa mga amoy imburnal na ‘to! Ano sa tingin mo sis?’ ‘Are you nuts?! Nagawa mo pang kumerengkeng ngayong heto na ang mga rapists natin?’ Nangangatal na niyang sabi. ‘Relax! Hindi ba sabi ko kanina as long as I’m in command it’ll be a walk in a red carpet! Remember?’ ‘Pero sis! wala tayo sa isang catwalk. And these perverts are certainly not here as our escorts! Can’t you be more serious?!’ ‘Haayy… you just don’t get the picture, do you? Well, in any case, this is certainly the time to get REALLY serious!’ ‘So, what’s the plan? Ms. Know-it-all?!’ ‘Hoy! Ano ba’ng pinag-uusapan ninyo diyan?! Nagde-debatehan ba kayo kung sino’ng mauuna? Hindi problema ‘yan! Kaya na namin kayo ng sabay! Puli enerjays na kami kanina pa! He! He! He! He!’ Anang unang lalake. Nakitawa na rin ang mga kasama nito. ‘Umm… Mga pogi?... Puwede bang… mauna na ‘ko?...’ Sabay taas sa kanyang pencil cut na skirt. ‘Alam niyo kasi medyo mahiyain ‘tong kaibigan ko… gusto sana niya sa mas masukal na parting ‘yon para makapag-ready… alam niyo na… para mas romantic… Hmm! Hmm! Hmm!’ Ani Rei sa tonong mapanghalina. ‘Sis! What’re you doing?!’ ‘Gano’n ba! Kung gano’n eh di sasamahan ko na siya! Mahiyain din ako eh! He! He! He!’ Anang ikalawang lalake. ‘Ano ka ba naman coochie coochie sweet pie?... nahe-hurt naman ako… bakit? Napapangitan ka ba sa’kin?...’ Itinaas pa niyang lalo ang pencil cut skirt nito sa puntong halos mapunit na ito habang papalapit sa ikalawang lalaki. Pagkatapos ay binulungan si Jillia. ‘Pagbilang ko ng dalawa, tumakbo ka sa kaliwa! Ready? One… Two!!!’ Sa hudyat ni Rei’y agad tumakbo si Jillia sa kaliwa, habang ang ikalawang lalaki’y parang papel na humagis sa lakas ng sipa ni Rei. Sa sobrang lakas, umigkas pa ang lalaki pagtama nito sa sirang poste ng ilaw bago sumalampak sa lupa. ‘Anak ka nang! Anong ginawa mo?!’ Anang unang lalaki na tiim ang bagang sa galit. ‘Sorry! Na-hurt kasi ako sa pag-isnab niya sa ‘kin eh! Hi! Hi! Hi! Hi! So? Sino sa inyo’ng gustong sunod makatikim ng alindog ko?!’ ‘Matigas ka pa lang babae ka ha?! Mga pare gusto niya ng mas eksayting na aksiyon! Pa’no mga pare?! paunahan ha?!’ ‘Oooohh!!! Gusto ko yan!’ Buong kabangisan na dinaluhong siya ng unang lalaki. Ngunit bago pa niya madamba si Rei ay parang kidlat itong pumihit sa kanan sabay pihit uli sa kaliwa upang magpakawala ng isang spinning back hand punch. Sapol sa lalamunan ang buhong. Ang ikatlo at ikaapat na lalake ay naglabas na rin ng kani-kanilang mga patalim. Ang ikalima naman ay palakad-lakad at tila kumukuha lang ng tiyempo. ‘Damn you scumbags! Lumaban kayo ng parehas! Sis, be careful!’ Sigaw ni Jillia sa kaibigan habang takot na takot na nakatago sa likod ng isang puno. Sumalisi ng saksak ang ikalimang lalaki mula sa likuran ni Rei. Si Rei naman, sa pamamagitan ng talas ng pakiramdam at mabilis na pagkilos, ay ginamit ang momentum ng kalaban upang makapag-execute ng isang counter attack. Pumaikot-ikot sa ere ang buhong bago bumagsak sa lupa na una ang mukha. Kasunod noo’y pinalibutan na ng natitirang mga lalake si Rei. ‘Heh! Tama na ang pagpapasikat mong babae ka! Ngayon tingnan natin kung makaporma ka pa pagkatapos ka naming lurayin! Pero bago ‘yon paliligayahin mo muna kame! At pagkatapos, yung chick naman na ‘yun ang isusunod namen! Ha! Ha! Ha! Ha!!!’ Ang mala-dimonyong tawa ng ikatlong lalake. ‘Hindi lang pala kayo mga sandamukal na DOMs, mga duwag din pala kayo! Oh well, ano pa nga bang magagawa ko?’ ‘Yan! Ganyan nga! Sumuko ka na lang nang hindi ka na masaktan pa! Tsaka alam ko namang masisiyahan ka rin naman sa gagawin natin eh! He! He! He! He!!!’ Ang mahalay na bungisngis ng ikaapat na lalake. ‘O sige na nga! Suko na ko sa inyo! Gawin niyo na’ng gusto niyo sa ‘kin!’ Kasunod noo’y ibinaba na nito ang kanyang guard. ‘S-Sis!!! What’re you thinking?!’ Si Jillia na gulat na gulat at hindi makapaniwala sa tugon na iyon ni Rei. ‘At sa tingin mo bibilhin namin ang acting mo?! Ha! Ha! Ha! Ha! Maraming beses ko nang napanood ‘yan! Pag nalingat kame ay saka mo naman kame aatakihin?! Gano’n bang balak mo?! Ha?! Gaga!!! Ngayon, pagbabayaran mo’ng pagyari sa mga kasamahan ko! Luray ka ngayon!!!’ At buong bangis na sinugod si Rei. ‘Ha! Hindi ko na kailangan um-acting no?! At ang ibig kong sabihin, suko na ko sa kabobohan niyong dalawa! Kaya---‘ Sa huling saglit ay buong liksing pumailalang sa ere si Rei na parang ibon, nagpaikot-ikot, at hinataw ng isang pagkalakas-lakas na heel drop kick ang ikatlong lalake sa bumbunan. Sa lakas ng impact ay parang bola ng basketbol na tumalbog sa lupa ang mukha ng buhong. ‘Ngayon ka magsalita! Pwehh!!! Mas nakakairita pa ang kagat ng lamok diyan sa ginagawa ninyo!’ ‘Mukhang may nakakalimutan ka ah?! He! He! He! He!’ Anang ikaapat na lalake na nakasalisi pala at nagawang bihagin si Jillia. ‘S-Sis… H-Help me!’ ‘Isang maling kilos at hihiwalay sa katawan niya ang ulo ng kaibigan mo!’ ‘Ikaw!!! Ang kapal ng mukha mong hawakan ng marumi mong kamay ang kaibigan ko?!!’ Nagngingitngit na bulalas ni Rei.’ ‘Sige lang! Magngangawa ka diyan! Wala ka rin namang magagawa! He! He! He! Sige! Suntukin mo ko! Gamitin mo yang judo mo! Sige! Nang paglamayan na ‘tong kaibigan mo! He! He! He! He! He!!!’ ‘Ngayon… galit na talaga ako… binigyan na kita ng pagkakataong tumakas, pero inubos mo lang ang pasensiya ko! Buweno dahil ito ang hanap mo… pagbibigyan kita! Kaya humanda ka!!!’ ‘Oooooo!!! Takot akoooo!!! Niya-ha! Ha! Ha! Ha! Ha!!! Sige lang! Magmagaling ka at tapos ang babaeng---- Ahhhhh!!!!’ Biglang namilipit sa sakit ang ikaapat na lalake nang kagatin ni Jillia ang braso nito. Sa sobrang sakit ay nabitiwan nito si Jillia. Bagay na agad sinamantala ni Rei. ‘Etong sa’yo!!! Moryo Rasen!!!’ Sapol sa sikmura ang buhong. At sa lakas ay sinuyod nito halos lahat ng halaman sa kalyeng iyon bago tumama sa isang puno. Bahagya pa ngang nagkauka ang puno sa lakas ng pagkakahampas nito. ‘Ha! Hardly a challenge! Pero alam mo, masuwerte ka dahil ikaw ang kauna-unahang tao na nakatikim ng technique kong ‘yon! Ano? Masarap ba? Hi! Hi! Hi! Hi!’ ‘U-u-uu-gghhh… d-d-dimon-nyo… ka-haaaa…’ Sabay bagsak sa lupa ang ikaapat na lalake. ‘Wow!!! That’s simply fantastic!!! With a capital F!!! Woohoo!!! Say, totoo bang bago mong technique yon? Kailan mo pa ‘yon natutunan? Tell me! Tell me!’ ‘Huwag mo nang alamin! It’ll take a thousand years bago mo maintindihan!’ ‘Suplada naman nito! Kahit papaano naman may naiintindihan din ako sa martial arts no?!’ ‘Para sabihin ko sa’yo miss, hindi katulad ng mga nilalaro mo sa Tekken ang martial arts! It recquires a pure mind and soul to fully understand its essence and virtues! At hinding-hindi maiintindihan ng isip-batang katulad mo ang kahulugan no’n!’ ‘Yeah! Whatever! Tsungit!’ ‘Hayyy! Buti pa umalis na tayo dito! Masiyado na tayong naabala ng mga ungas na ‘to!’ ‘Teka, Rei? Iiwanan na lang natin sila dito?! Baka magsumbong ang mga ‘to sa mga pulis! Tayo pa ang mabaliktad nito?!’ ‘Sa tingin mo ba sa cute nating ‘to may maghihinala bang ginulpi natin ang mga rapists na ‘to? I don’t think so! So who cares kung magsumbong pa sila sa mga pulis?! Malas lang nila!’ ‘On second thought…’ ‘Hayyy! Mabuti pa umalis na tayo dito’t masiyado na tayong naperwisyo!’ Bago umalis ay kinausap pa nito isa sa mga lalaking nangharang sa kanila. ‘Hoy! Tandaan ninyo ang mukhang ‘to ha?! Kapag nakita ko pa kayong nangha-harass dito, may paglalagyan kayo sa ‘ken! Naiintindihan ninyo?!’ Ang mahigpit na banta ni Rei. ‘O-opo! Opo! Opo!!!’ Waring takot na takot ang lalake. ‘Good! Now scram, you scumbags!!!’ Kasabay noo’y kaniya-kaniyang takbuhan na ang mga buhong. ‘Mukhang hindi na natin kailangan pang alalahanin kung magsumbong man sila sa mga pulis! Takot lang nila?!’ Natatawang sabi ni Jillia. ‘Sinabi mo pa! He! He! O sige na! alis na rin tayo!’ ‘Oookaaayyy!!!’ Next: The Missing Piece Share this post (facebook, email, twitter, etc) at pagpapalain ka ng husto.
:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
ay na miss k ung una!!!
pero cool title!!! ikaw ah nambbtin k ng mga tao d2...
sweet_gladdys009
•reply
Jul-2-07@6:10PM
and phabol...syang ung ink nmin kc p prinint k ung "the crush"....un pla ma eedit...
pero dhil mlkas k skin... its no biggie!!! oh heck...
resemblance
•reply
Jul-3-07@2:00AM
pasensiya na mga pipol. ang gusto ko kasi maibigay ko yung pinaka-best sa readers ko
pero sooner maipo-post ko rin yung latest at more sooner yung ending. basta tiis lang pipol!
,`HiKhiKhiKhik
,`HOkHokHokhoKhoK ,`AzTig NUn huh ,`SaN na Ba kaZe si WaRren KHo ,`TaGaL moNG di piNosT yUn KUya ![]()
resemblance
•reply
Jul-3-07@2:02AM
di bale! araw-araw naman ako magpo-post para makahabol sa latest issue
basta tiis muna
:: leave a comment You need to be logged-in order to post comments.Still do not have an account? Register for free
|
last 10 comments
in this category: categories:
Love & IntimacyArts & Entertainment Lifestyle & Culture Politics & Issues Poetry & Short Stories Random Thoughts Forwarded Thingies FrendzCorner/ShoutOut/Help! Games & Fun Questions Patawa Ka Talaga Tristancafe Musikahan Careers & Work Stuff School Matters Technology & Internet Classifieds & Advertisements Barangay Tristan Site Announcements Old Stories kyikx26, pristine_solstice, stoic, rubikx888, mahal80, mandurugas_2, and 33 guests |