Haven't registered here yet? Sign up now! to participate in the forums and enjoy all the cool features of TristanCafe Social Network. Everything's FREE, and it will only take less than a minute, pramis :)
Forum Index Board - Category: Forwarded Thingies
LoVe QuoTeS.. pArA sA mAnHid lYk HIM!!
posted by (Jul 20, 2005 @ 9:18AM) views: 23923
tO eVeRy1..

LoVE QuoTeS.. ... pArA sA mGa mAnHid lYk HIM


Sabi nila, ang tanga ko daw kasi hinihintay pa rin kita. Kasi ok lang sa akin kahit nandiyan sha. Kasi wala naman akong magagawa para malaman mo na mahal kita. Paano kapag naging tayo? E di masaya, isang manhid at isang tanga.


Hindi man tayo mag-usap araw-araw o magkita madalas, magtawanan gaya ng dati, magtrip kahit badtrip. Pero ito tatandaan mo, walang sinuman ang pwedeng pumalit sayo.


Minsan masayahin ako, minsan seryoso, minsan sobrang sweet, minsan sensitive, minsan manhid. Pero kahit bangag ako, ni minsan, di ka nawala sa puso ko.


Sabi nila tanga daw ako dahil hanggang ngayon, ikaw pa rin ang mahal ko. Nasaktan ako sa sinabi nila pero hindi na ako kumibo. Alam ko naman kasi ang totoo. Hindi ako tanga, hindi lang sila marunong magmahal.


Kagabi, may nakita akong falling star. Nag-wish ako, sabi ko, sana maging akin ka. Biglang huminto yung star, lumapit sa akin at tumawa. Sabay sabing, "Sira ka talaga! Hindi pwede! Kasi ayun sha kasama mahal niya!"


Sabi ko ayoko na. Paulit-ulit kong sinasabing tama na. Pangako ko na di na talaga. Pero bakit ganon? Kahit anong gawin ko, isa't isang bagay pa din ang sinisigaw ng puso ko. Alam mo kung ano? Ano pa e di pangalan mo!


Gusto kitang makita, kaso baka sabihin mo, "Wag na." Gusto kitang maka-usap, kaso baka sabihin mo lang, "Saka na." Gusto kong sabihin na mahal pa rin kita pero baka isagot mo, "Ako hindi e."


Nagtext ako sayo, got no reply. Miss call ako sayo, you didn't call back. Nung nakulitan ka na sa akin, sabi mo, "Sorry, I'm busy. TC na lang." Then one day, nakita kita kasama mo sha. Tama ka, busy ka nga talaga.


Madalas kitang hanapin, palingon-lingon, palinga-linga. Tapos kapag nakita na kita at nakaharap na, bigla na lang akong hindi makapagsalita. Bakit? Paano ako magsasalita? Yung buong kahulugan ng buhay ko nasa harapan ko na.


sa harapan ko na.
· Minsan, mahirap magbigay. Minsan, mahirap magmahal. Minsan, mahirap masaktan. Pero minsan, ok lang. Dahil minsan, ikaw ang dahilan.

· Dati, tuwang-tuwa ako kapag inaasar kita. Tuwang-tuwa ako kapag naiinis ka na. Tapos sabi mo lalayo ka, ayaw mo na ko makita. Sabi ko, "Wag! Mahal kita!" Sabi mo, "Nang-aasar ka nanaman ba?"

· Dati, akala ko kapag nasa akin na yung taong mahal ko, masaya na ko. Pero bakit nung nasa akin na, hindi pa din ako masaya? Hindi lang pala yung tao ang kailangan ko, pero pati pagmamahal niya.


Alam mo ba na mahal kita? Hindi siguro. Alam mo ba na kailangan kita? Hindi rin e. Oo nga pala, paano mo malalaman? E wala ka namang paki. Paano kasi, nandiyan sha. Mahal mo, kailangan mo.
Kung alam mo lang kung gaano kita kamahal. Kung gaano kalaki ang takot ko kapag nawala ka. Kung anong nararamdaman ko kapag may kasama kang iba. Shit! Ang kapal ng mukha ko! Kaibigan nga lang pala ako.


May mga taong minamahal at may mga taong sinasaktan lang. Alam mo kung alin ako don? Ako yung gagang taong nagtitiis ng sakit kasi mahal ko yung gagong taong nananakit sa akin.


Nagtitiis ako para sayo. Ibibigay lahat basta kaya ko. Kakayanin ko ang sakit para lang sayo. Pero kung di mo pa rin ako mahalin sa kabila ng lahat ng ito, para sayo, maghihintay ako.

Buti pa yung shabu, nagpapayaman. Ang marijuana, nagpapa-high. Ang ecstacy, nagpapasaya. E samantalang ako, taong nagpapakatanga. Di mo man lang pansing adik sayo.


Pinilit kong maging sha. Ginawa ko lahat sayo katulad ng ginawa niya. Minahal kita higit pa sa binigay niya. Tinanong kita kung kulang pa. Sagot mo, "Tama na, hindi ka naman sha e."


Nasaktan ka ba ng nalaman mong may mahal na kong iba? Pasensha ka na ha? Ayoko na kasing umasa, napagod na din akong maghintay. Pero makakatulong ba kung sabihin ko sayong kaya ko shang iwanan para sayo?


· Anong mararamdaman mo kung makita mo ko na may kasamang iba? Siguro wala kasi kaibigan lang naman ako para sayo. Pero kung ma-realize mo na mahal mo ko, sabihin mo lang at iiwan ko sha para sayo.

Know what I'm holding right now? Well, I'm holding your heart. Napulot ko kasi tinapon niya. Pwede akin na lang? Promise, di ko itatatapon. Iingatan ko pa.

· Close your eyes, diba ang dilim? Try being alone, nakakatakot diba? When no one's with you, masakit diba? Don't worry, ayos lang yan. Try looking behind you, nandiyan lang ako.

· There's no special reason for this message. Just wanna steal a single moment out of your busy day and hope to make you smile and say, "Haha! Si ______ na-miss ako!"

· Akala ko kapag iniwan kita, hahanapin mo ko. Akala ko kapag lumayo ako, mami-miss mo ko. Akala ko kapag di ako nagparamdam, tatawagan mo ko. Yun pala, iba na hinahanap mo. Uy, paano na ko?


fOr rEaDinG DiS..!!



Post a comment [8 comments]
 
newer post:
Tips for being Handy
older post:
Prayer For Children

:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
skye    •reply Jul 20, 2005 @ 9:48 AM
 
nice one
weskian    •reply Jul 20, 2005 @ 10:16 AM
 
buti na lang di ako manhid!

for u!
sintunado_lady    •reply Jul 20, 2005 @ 10:50 AM
 
hayyy nakuuu... akala ko isa lang si rizal
atmosphere143    •reply Jul 20, 2005 @ 11:33 PM
 
nice one po... pero yoko mging ganyan... d ko kakayanin...
jaychelle    •reply Jul 21, 2005 @ 12:04 AM
 
nice 1 ganda niya...
melaipanget    •reply Jul 22, 2005 @ 3:44 PM
 
Madalas kitang hanapin, palingon-lingon, palinga-linga. Tapos kapag nakita na kita at nakaharap na, bigla na lang akong hindi makapagsalita. Bakit? Paano ako magsasalita? Yung buong kahulugan ng buhay ko nasa harapan ko na.

**ang ganda namn ng qoute na to...
sakto...
CookieMonster    •reply Nov 24, 2008 @ 5:52 AM
 
nakarelate ako dito.salamat sa ng bump
freedertjosh    •reply Nov 26, 2008 @ 3:20 PM
 
Beautiful....

May you live happily ever after

:: leave a comment

You need to be logged-in order to post comments.
Still do not have an account?
Register for free

newer post:
Tips for being Handy
older post:
Prayer For Children
login:

password:

Not yet a member?
Register for free!

Lost password?