tristancafe - ang tambayan ng mga walang magawa sa buhay
Search Tristancafe Forums
Custom Search
frontpage music karaoke games forum berks columns quizzes crosswords
Haven't registered here yet? Sign up now! to participate in the forums and enjoy all the cool features of TristanCafe Social Network. Everything's FREE, and it will only take less than a minute, pramis :)
Main Forum - Category:Poetry & Short Stories
Ang Bilog Na Bagay Na Yun [part 3]
posted by (Apr 20, 2007 @ 12:37PM) views: 658
Matapos akong mahiwagang higupin ng bilog na bagay na iyun, ay tila napadpad ako sa nakaraan, sa taong 1986, kung saan doon ko nakita ang dalagang katayuan ng aking Inay.

Nakilala ko rin ang isang binibini na nagngangalang Sunshine... ang pangalang naka-ukit sa Bilog Na Bagay na Iyun...


year 1986

Makalipas ang halos isang linggo kong pagpapahinga, ay bumuti na rin ang aking lagay...

Naitanong sa akin ni Don Agustin kung saan daw ako nakatira, nang sa ganoon ay maihatid niya ako sa aming bahay...

Subalit sa mga panahon na iyun ay wala talaga akong tirahan, dahil nga hindi pa ako nabubuhay sa taon na iyun, at ang aking ina naman na si Marieta ay sa kinla nanunungkulan...

"Don Agustin, ang totoo po niyan ay ulila na ako, at wala nang bahay...", muli kong pagsisinungaling sa matanda...

"Ganun ba...", wika ni Don Agustin, sabay hithit ng tabako...

Ibinuga niya ang usok, tumingin sa papalubog na araw sa labas ng bintana, at muling nagwika, "Hayaan mo iho, maaari kang tumuloy dito sa bahay ko..."

"Talaga ho?!", aking pagkagulat...

"Oo. Pero sa isang kundisyon... manunuluyan ka dito, subalit tutulong ka rin sa mga gawain bahay..."

"Oho Don Agustin...", pag-sang-ayun ko sa aming kasunduan...

Nanatili nga ako sa kanila, at nangahulugan lamang na lalo kong madalas na makikita ang aking Ina... si Marieta.



Minsan isang araw, habang nagdidilig ako ng mga halaman sa hardin, ay nakita ko doon si Marieta, naka-upo sa may malaking bato, mukhang malalim ang iniisip...

Lalapitan ko sana siya... upang kausapin, nang sa ganoon ay hindi naman siya magmukhang malungkot...

Subalit naunahan ako ng isang binibini... walang iba kundi si Sunshine.

"Marieta, 'lika, aayusan kita, mukha ka kasing nalugi d'yan e.", nakangiti at pabirong nasabi ni SUnshine. "Kelangan mo siguro nang konting make-up!", at hinila na ni Sunshine si Marieta...

Nilingon ko sila papakyat sa loob ng bahay, at nakita kong nilingon din ako ni Sunshine... ngumiti siya sa akin... ngumiti na rin ako.

Doon ko naramdaman na may kakaibang bagay na namamagitan sa aming dalawa, tila magkakilala na kami, dati pa... ito yata ang tinatawag na tadhana...

---


Hanggang isang gabi, nakita ko na lamang si Sunshine, nasa labas, naka-upo sa tapat ng hardin...

Bumaba ako mula sa aking kwarto, at lumapit sa kanya...

Marahan akong naglakad, papalapit, napahinto na lang ako ng bigla siyang magsalita...

"Fernando, di ba?", naitanong niya, tila sinisigurado ang aking pangalan...

"Opo Miss Sunshine...", naisagot ko.

Lumingon siya... at nagwika. "Pwede bang Ando na lamang ang itawag ko sayo, kasi mas cute yun...", pagkatapos ay ngumiti.

"Kayo po ang bahala.", nahihiya kong nasabi.

"Pwede ba, huwag mo na akong po-po-in. Kasi mas matanda ka pa yata sa akin e. Dito ka nga...", nasabi nito, at itinuro ang bakanteng pwesto sa kanyang tabi.

Lumapit naman ako, at umupo.

"Bakit ba lagi mong pinagmamasdan si Marieta?", diretso nitong naitanong sa akin.

At hindi ko alam kung ano ang aking isasagot, hindi ko naman maaaring ipaliwanag sa kanya ang buong katotohanan... na si Marieta ang aking Ina, at nagmula ako sa hinaharap...

Kaya tila napilipit ang aking dila... "Ah... ehhh..."

"Well, sorry kong medyo nagulat ka yata sa tanong ko...", nakangiti nitong nasabi, nakatingin pa rin sa mga halaman...

Maya-maya pa ay bigla itong tumayo... "Sige Ando... aakyat na muna ako...", wika nito, at tuluyan nang naglakad, papalayo.

---


Nang gabing iyun, nang matutulog na ako, ay hindi ko pa rin mawaglit ang naitanong sa akin ni Sunshine...

Bakit niya iyun naitanong sa akin?

At ibig sabihin, lagi niya akong pinagmamasdan, sapagkat nahahalata niyang lagi kong nililingon ang aking Inay na si Marieta.

Nagseselos ba siya?

Napansin ko na lamang na nakangiti na ako... at mukhang mahimbing na makakatulog dahil sa aking natuklasan...


Mahihiga na sana ako sa aking kama, nang mapansin ko ang asul na polo ni Itay... ang suot-suot ko nang mapadpad ako dito sa nakaraan.

Kinuha ko iyun...

At muli ay pinagmasdan...

Hanggang biglang may mahulog na munting papel sa bulsa nito...

Dinamput ko iyun at binuksan...

Doon ko nalaman na kapiraso pala iyun ng lumang dyaryo...

Nanlaki na lamang ang aking mga mata nang mabasa ko ang nakasulat doon...

"Anak Ni Don Agustin, Namatay Nang Magtanan, Kasama ang Kanyang Kasintahan."

Binasa ko ang nilalaman ng balita, at doon ko nalaman na isang trahedya ang naganap. Namatay sina Ando at Sunshine sa aksidente, nang mahulog ang kotseng lulan sila, sa isang tulay, pabagsak sa ilog... isang ma-ulan na gabi... nang magtangkang magtanan ang dalawa.

Mabilis kong hinanap ang petsa ng nasabing aksidente... at doon ko nalamang ito ay magaganap sa taong 1990, ika-21 ng Mayo.

Bigla tuloy akong natulala...

Magiging kami nga ni Sunshine sa hinaharap...

Ngunit mamamatay ba kami???


---


Nang mga lumipas na araw, ay iniiwasan ko na si Sunshine...

Sapagkat ayaw kong matuloy ang nabasa ko sa dyaryong iyun...


Ngunit tila naramdaman ni Sunshine ang ginagawa kong paglayo sa kanya...

"Iniiwasan mo ba ako?", naitanong nito, isang hapon, habang nagdidilig ako ng mga bulaklak...

"Hindi, bakit mo naman nasabi yan?", naitanong ko.

"Hindi ko alam... pero nararamdaman ko... na... na lumalayo ka sa akin.", maluha-luha nitong nasabi. "At nakakainis, dahil may... may nararamdaman ako sa iyo... Ando, pakiramdaman na kakaiba... na para bang kilala na kita, dati pa.", wika nito.

'Ako rin Sunshine... pareho tayo ng nadarama...', iyun sana ang aking sasabihin, subalit pinigilan ko lamang ang aking sarili.

Napansin ko na lamang na pumatak na ang luha sa kanyang mga mata... mabilis niya iyung pinunasan...

Pagkatapos ay tumakbo paakyat sa loob ng bahay... nais ko sana siyang habulin, amuin, at humingi ng tawad sa ginagawa kong pag-iwas, subalit... hindi dapat.

---


Hanggang isang araw, habang nasa kusina ako, kumakain...

"Fernan pwede ba tayong mag-usap...", wika ng isang babae, at nang lingunin ko, ay nakita ko si Marieta.

Umupo siya sa isa sa mga upuan doon...

"Mahal na mahal ka ni Sunshine.", walang paliguy-ligoy na nasabi nito.

At halos mailuwa ko ang aking kinakain sa pagkagulat... alam rin niya?!

"Ako na mismo ang nakiki-usap sa iyo... para sa aking kaibigan... kung maaari sana ay huwag mo siyang iwasan...", nakayuko nitong nasabi... "Napaka-bait ni Sunshine, at hindi nararapat sa kanya ang masaktan ng lubusan... Nakiki-usap ako sayo Fernan.". Napansin ko na lamang na umiiyak na ito.

"Tahan na Marieta, tahan na...", nasabi ko na lamang.

---

Kinabukasan... agad kong nilapitan si Sunshine, habang naroon siya sa hardin, nananahi...

"Sunshine...", pagtawag ko sa pangalan niya... at mabilis nya akong nilingon.

Nanlaki ang mga mata niya sa sorpresa ko, mga bulaklak ang aking hawak-hawak, at agad kong inabot sa kanya, "Para sa iyo."

Tinanggap niya iyun, at inamoy... "Ambango... namulaklak na pala ang mga inaalagaan mong halaman...", nakangiti niyang nasabi.

Tumabi ako sa kanya... Pinagmasdan ko ang mapupungay niyang mga mata... napansin ko rin ang namumula niyang pisngi, tila nahihiya nang mahalata niyang nakatitig ako sa kanya.

"Mahal na mahal kita Sunshine...", bigla kong sinabi... at napansin ko ang kaligayahan sa mga mata nito. "Lumalayo ako sa iyo, sapagkat hindi ko alam kung matatanggap ba ni Don Agustin ang pag-ibig ko para sa iyo...", nasabi ko ang isa sa mga dahilan kung bakit ako umiiwas sa kanya.

"Iniibig rin kita Ando!", bigla niyang nasabi, pagkatapos ay agad niya akong niyakap.

Niyakap ko rin siya... at sa unang pagkakataon ay nakadama ako ng pag-ibig...

Sino nga naman ang mag-aakala na matatagpuan ko ang babaeng aking mamahalin, sa ganoong panahon, sa nakaraan...


"Sunshine si ang Papa mo! Parating na siya!", biglang naisigaw ni Marieta, na kanina pa pala nagbabantay sa aming dalawa, mula sa di kalayuan.

Bigla kaming naghiwalay sa pagkakayakap...

At maya-maya pa ay sumulpot na nga si Don Agustin... may kasama.

"Sunshine, meet Dexter... ang iyong manliligaw.", tuso na namang nakangiti si Don Agustin... Ipinakilala ang isang binata, na sa panlabas na anyo, ay malalaman mo kaagad na galing sa isang mayaman na angkan.

"Kumusta Sunshine...", pagbati nito.

[Abangan.]

mga tanong:

1. Mamamatay ba sina Tom at Sunshine sa kanilang pagtatanan?

2. At ano ang gagawin ni Tom sa oras na mahawakan niya muli ang Bilog Na Bagay Na yun?

3. Ano ang pinaka-twist nang kwentong ito??? Wala pa tayo sa kalahati ng kwento...
Share this post (facebook, email, twitter, etc) at pagpapalain ka ng husto.
| More
 
newer post:
TABAKEKANG!! :)
older post:
read nio lang, malay natin, magustuhan mo

:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
WIFEY    •reply Apr 20, 2007 @ 2:00 PM
 
magiging c ando n c marietta --- eeck! what a thought! : l o l : 
  WIFEY    •reply    Apr-20-07@2:06PM
...or... baka naman inampon lang ni marrieta si tom .... ay ang gulo!!!
YuE    •reply Apr 20, 2007 @ 3:46 PM
 
1. Mamamatay ba sina Tom at Sunshine sa kanilang pagtatanan?
hindi

2. At ano ang gagawin ni Tom sa oras na mahawakan niya muli ang Bilog Na Bagay Na yun?
balik sya sa 1986 o 2007 ulit hehe

3. Ano ang pinaka-twist nang kwentong ito??? Wala pa tayo sa kalahati ng kwento...
gagawa si tom ng paraan kung pano nya makakasama yung tatay nya sa kasalukuyang panahon para maniwala na sya sa lolo nya na sasaya sila, hinde lang yung mag ina, kasama pa tatay nya

hula lang yan ha
byebyepo    •reply Apr 20, 2007 @ 4:27 PM
 
aw.. bka si don agustin at tom ang mgkatuluyan yan ang twist hehehehhehe
  YuE    •reply    Apr-20-07@4:59PM
: l o l : 
dumblicious16    •reply Apr 20, 2007 @ 5:37 PM
 
: h m m : 
nezra    •reply Apr 21, 2007 @ 12:14 AM
 
1. Mamamatay ba sina Tom at Sunshine sa kanilang pagtatanan?
hindi.. kc alam ni tom ang mangyayarin..

2. At ano ang gagawin ni Tom sa oras na mahawakan niya muli ang Bilog Na Bagay Na yun?
ahmmm.., hihiling xa, na sana makikita nya na ang kanyang tatay..!

3. Ano ang pinaka-twist nang kwentong ito??? Wala pa tayo sa kalahati ng kwento...

ewan ko! : k i s s : 

Button: Panahon pa yan nio kopong-kopong! : l o l : 
herjeanelle_22    •reply Apr 21, 2007 @ 3:11 AM
 
wala akong masabi kasi hindi ko naman na umpisahan ang story mo... at naguguluhan talaga ako sa story....hayz!... na gustuhan ko pa naman sana sya kaso di ko naman naumpisahang basahin ang story simula doon sa part 1..sana naman mabasa ko yung simula ng story mo....
thanks..... : s m i l e : 
herjeanelle_22    •reply Apr 21, 2007 @ 4:24 AM
 
ui!...ahehe...nabasa ko na p0h Lahat ng Part...hehe... ang ganda...
nakakabitin sana naman p0h ilabas mo na yung susun0d paRa hindi kmi bitin....
: n o t w o r t h y :  galing m0h p0h!
no_one_owns_me    •reply Apr 27, 2007 @ 2:54 PM
 
weeee!!!! 3rd!!! : c h e e r : 
anyD    •reply May 19, 2007 @ 10:47 PM
 
waa... di ko maalis ang kilabot na nararamdaman ko,, : m a d : 

:: leave a comment

You need to be logged-in order to post comments.
Still do not have an account?
Register for free

newer post:
TABAKEKANG!! :)
older post:
read nio lang, malay natin, magustuhan mo
login:

password:

Not yet a member?
Register for free!

Lost password?
love quotes and poems
We can only learn to love by loving.

--from Iris Murdoch