|
Search Tristancafe Forums
Custom Search
|
| frontpage | music | karaoke | games | forum | berks | columns | quizzes | crosswords |
|
Haven't registered here yet? Sign up now! to participate in the forums and enjoy all the cool features of TristanCafe Social Network. Everything's FREE, and it will only take less than a minute, pramis :)
Main Forum - Category:Poetry & Short Stories
Ang Bilog Na Bagay Na Yun [part 1]
Guys Enjoy niyo po ito.
![]() Gusto mo bang bumalik sa nakaraan? Ano naman ang mga gagawin mo kung nagagawa mo ngang mag-time travel? hmmm... ---- Nagsimula ang lahat nung ako ay isang bata pa lamang, apat na taong-gulang... year 1995 "Wag kang mag-alala Tomtom, paglaki mo, ay magiging masaya rin kayong mag-ina... sigurado iyan.", naaalala ko pang sinabi sa akin ni lolo, habang nag-aagaw buhay, samantalang ako naman ay patuloy sa pag-iyak... "Lolo, wag niyo po kaming iwan ni Inay! Wag po!", wika ko, habang hawak-hawak ang kanan niyang kamay. Ngunit hindi niya pinakinggan ang aking hiling, bumitaw na siya sa aking pagkakahawak, at sandali pa ay pumanaw na ito... "Lolo, hindi!", pasigaw na aking pag-iyak. Iyun na lang ang tanging alaala na naiwan sa akin ng aking lolo... ni hindi ko na nga maalala ng mabuti ang kanyang mukha. year 2007 At ngayong labing-anim na taon na ako, naaalala ko pa rin ang sinabi sa akin ni lolo. Na magiging masaya raw kami ni Inay, sa paglaki ko... Pero bakit ganun? Ngayon na ang panahon na iyon, na may isip na ako, subalit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakikitang masaya si Inay, hindi pa rin... Ganun pa rin siya, malungkot, simula pa ng ako ay bata... Isang bulag si Inay, at bukod pa doon ay sunog ang halos lahat ng kanyang mukha... marahil ay iyun ang dahilan ng kanyang kalungkutan... Ngunit may isa pa nga palang dahilan! At iyun ay ang pagkawala ni Itay... simula ng isilang ako, ay wala na si Itay sa aming tabi. Minsan naitanong ko na kay Inay kung bakit kami iniwan ni Itay, ngunit nasabi nalang niya na hindi rin niya alam ang dahilan... pero hindi ako naniniwala doon, siguro ay naglilihim lang siya sa akin. "Wala siyang kwentang tatay!", nasabi ko, nang mapag-usapan namin isang araw si Itay. At 'PAK!', agad akong sinampal nito. Na kahit bulag ay malakas ang pakiramdam, at alam niya kung nasaan ang bahagi ng aking pisngi... "Huwag mong tatawagin ng ganyan ang ama mo, Tom! Dahil nang ipinagbubuntis kita ay halos itaya na niya ang buhay niya, mailigtas lang tayo!", galit na nasabi ni Inay, nadulas ang kanyang dila. "Iligtas? Bakit? Ano po ba ang nangyari nang ipinagbubuntis niyo ako? May aksidente po bang naganap?", nagtataka ako, at sunud-sunod na tanong ang aking nabitawan... "Wala... wala Tom, mabuti pa ay umakyat ka na lang sa kwarto mo...", biglang pamumutla ni Inay... hindi na niya nasagot ang aking tanong, naglilihim talaga ito. Simula nang araw na iyun ay ipinangako ko sa aking sarili na aalamin ko ang tunay na pangyayari kay Itay. Ang kanyang nakaraan. Kung sino ba siya, at kung anong sikreto ang natatago sa likod ng kanyang pagkatao. Hanggang isang araw ay naisip kong lihim na pasukin ang silid ni Inay, habang siya ay nasa likod ng bahay, at naglalaba. Dahan-dahan akong naglakad sa loob ng kanyang kwarto, at doon ay agad kong napansin ang isang lumang baul, na minsan nang nasabi ni Inay na pinaglalagyan raw ng mga lumang bagay na alaala ni Itay... Binuksan ko iyun at hinalungkat... Nakita ko ang mga damit... mga lumang damit marahil ni Itay... mabilis akong kumuha ng dalawa doon... subalit pag-angat ko sa isang asul na polo, ay may nahulog na isang mabigat na bagay... Kinabahan ako, dahil baka marinig ni Inay! Nilingon ko ang bagay na iyun! At nagtaka ako sa itsura nito... Isang bilog na bagay, gawa sa kulay itim na kahoy... At nang aking pulutin, ay saka ko pinagmasdan ng maigi... May mga nakaukit doon... mga letra na hindi ko maintindihan... ibang uri ng alpabeto, marahil ay alibata. Inikut ko pa iyun, at saka lang ako nakabasa ng mga salita na aking naiintindihan... Nakaukit doon... Sunshine Love Ando Magpapatuloy pa sana ako sa pag-uusisa sa bilog na bagay na iyon, nang maramdaman ko ang mga yagabag ng paa, si Inay! papunta na sa kanyang silid!!! Kaya mabilis akong lumabas sa kwarto, tangay-tangay ang dalawang damit ni itay, at ang misteryosong bagay. Nagkulong ako sa kwarto ko, at doon ay muling pinagmasdan ang bilog na bagay na yun, hindi ko alam, pero tila pamilyar sa akin ang bagay na iyun... at tila hindi ko mapigilang tumitig dito. Hanggang makadama na lamang ako ng pagkahilo, kaya tinigil ko na rin ang paguusisa sa tila mahiwagang bagay na yun. Tiningnan ko muli ang mga damit ni Itay... sinuot ko ang kulay asul na polo, kasyang-kasya sa akin... Muli tuloy pumasok sa aking isip si Itay... Ano kaya ang itsura niya? Kahawig ko kaya siya? Hanggang maisip ko naman si Inay... Ang kalungkutan niya, dahil sa pag-iwan sa amin ni Itay... Naiinis ako! At maya-maya pa ay napa-upo ako muli sa kama ko, at hinawakan ang bilog na bagay na iyun... 'Ano kaya ang kaugnayan nito sa nakaraan ni Inay at Itay?', naitanong ko sa aking sarili... Andami ko talagang tanong... hanggang masabi ko na lamang na- "Sana naroroon ako sa nakaraan, para hindi na ako katulad nitong tanong ng tanong, naghahanap ng kasagutan..." Nagulat na lamang ako nang biglang nagliwanag ang bilog na bagay na hawak-hawak ko!!! Nasilaw ako, kaya na-itapon ko iyun! Hanggang sandali pa, sa aking sobrang pagka-kaba, ay naramdaman ko ang malakas na pwersa, na tila humihigop sa buo kong katawan, papasok sa bilog na bagay na yun! "Ahhhhhhhhhhhhhhhhh!", naisigaw ko... tila nahihilo ako, dumilim ang aking paningin... Tila nawalan ako ng ulirat. year 1986 "Huh?!", pagtataka ko nang matagpuan ko ang aking sarili na nakahiga sa ibabaw ng kalsada. "Nasan ako?", natanong ko sa aking sarili, at bumangon, naglakad-lakad. Pagewang-gewang akong naglakad, nahihilo pa rin... nalilito. Hanggang... 'BEEEEEEEEEEEPPP!', pag-busina ng isang kotse sa akin, at nang lingunin ko, ay huli na ang lahat... Nabungo ako nito! 'Bagag!' Tumalsik ako sa gilid ng kalsada, sa damuhan... "Bata ayus ka lang ba?", nararamdaman ko ang pagtapik-tapik sa kaliwang pisngi ko ng isang lalaki... "Dad, mabuti pa dalhin na natin siya sa ospital...", wika ng isang dalaga, hindi ko makita ang kanyang mukha... Hanggang naramdaman ko muli ang aking pagka-hilo, tuluyan na akong nawalan ng malay... [Abangan.] mga tanong: 1. Sino si Ando at Sunshine? 2. Ano ang matutuklasan ni Tom sa kanyang Itay, ngayong nakabalik na siya sa nakaraan? 3. At paano si Tom makakabalik sa kasalukuyang panahon gayong naiwan ang Bilog Na Bagay, sa kanyang silid, sa present time? Share this post (facebook, email, twitter, etc) at pagpapalain ka ng husto.
:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
GUYS enjoy niyo to, para tong Back To The Future, pero drama... ehehhe
Yung last part ng Patay Ako Sa Daddy Mo, sa next post na lang ha ![]()
ano yaaaaaaaaaaaan! asan si daddey?
praning_atthedisco
•reply
Apr-18-07@9:57PM
1. Sino si Ando at Sunshine?
-umm parents ni tom? 2. Ano ang matutuklasan ni Tom sa kanyang Itay, ngayong nakabalik na siya sa nakaraan? -binata pa sya wahaha@ 3. At paano si Tom makakabalik sa kasalukuyang panahon gayong naiwan ang Bilog Na Bagay, sa kanyang silid, sa present time? -portal!
ycay_suprema
•reply
Apr-18-07@10:08PM
e asa nman yong portal na yan??
hayaan na lang natin yang si tomtom, tigas kc ulo e kung gusto mo, tulungan mo syang makahanap ng portal... bwehehee
ycay_suprema
•reply
Apr-19-07@1:40AM
e naiwan nga nya sa present time di ba??
hmph, hayaan mo na yang tomtom na yan!!
salokohan bayan akala ko panamn 22ong buhay yun pla kengkoy JOKE san !!!!!!
san muba nakuha yan kwentung yan hasa bookstore ba heheh hahanapin ku pra d na me mabitin!!!!ssabihin kunlng sa knila kasunod
1. Sino si Ando at Sunshine? si Ando ung tatay [baka..] ung sunshine ung nanay nyang bulag.. ^^
2. Ano ang matutuklasan ni Tom sa kanyang Itay, ngayong nakabalik na siya sa nakaraan? ma22klasan nya na.. na aksidente... den namatay... [malay ba..] 3. At paano si Tom makakabalik sa kasalukuyang panahon gayong naiwan ang Bilog Na Bagay, sa kanyang silid, sa present time? button: Dapat sayo kinukurot sa toottoot!
Gusto mo bang bumalik sa nakaraan?
Ano naman ang mga gagawin mo kung nagagawa mo ngang mag-time travel? Sympre!! gagawin ang gusto mag-gimiK all the TimE!!! gagawa ng kalokohan All the timE!!! :P button: it's chukchakan time! (ano meaning ng chukchakan??)
kala ko ba ung next ung to love a freak?
well, yos na din.. ang galing mong magsulat ng kwento ![]()
aba, meron ka ng mystery, comedy, drama, & ngaun adventure... what's next? dapat based on a true story naman!!!!! hehehe.
![]()
:: leave a comment You need to be logged-in order to post comments.Still do not have an account? Register for free
|
last 10 comments
in this category: categories:
Love & IntimacyArts & Entertainment Lifestyle & Culture Politics & Issues Poetry & Short Stories Random Thoughts Forwarded Thingies FrendzCorner/ShoutOut/Help! Games & Fun Questions Patawa Ka Talaga Tristancafe Musikahan Careers & Work Stuff School Matters Technology & Internet Classifieds & Advertisements Barangay Tristan Site Announcements Old Stories GabrielleJoiece, kropek49, syeLi, chikurita, iane, vto9, imsoo_hurt, neon25, mitch2d2003, magicBMD, satsuka, diewithme, and 56 guests |